Updates
Ibong Dayo Pre-Festival Sabayang Bigkas
Karangalang muli ang pasalubong sa atin ng Team MDelos ng sila ang manguna sa nakaraang Sabayang Bigkas na isa sa mga programang nakahain bilang pagdiriwang sa taunang Ibong Dayo Festival. Nilahukan ito ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan ng lungsod ng Balanga na ginanap sa Balanga Elementary School kahapon Dec. 3, 2013. Abot langit naman ang galak na nararamdaman hindi lamang ng mga batang kalahok kundi pati na ng kanilang mga magulang at guro at ng mga super proud nilang mga tagasanay. Congratulations Maximinians! |
Pawikan Festival-Paddle Painting
Muli na namang pinatunayan ng mga Maximinian ang kanilang husay sa larangan ng pagpipinta ng manalo sina Jowen Fangon (1st place), bata sa ika-apat na baitang at Arvin Lulu (2nd place), bata mula sa ikalimang baitang sa nakaraang "Paddle Painting" na ginanap sa Morong Bataan nito lamang nakaraang Disyembre 1, 2013. Ito ay isinagawa para sa taunang Pawikan Festival. |
Backyard Camping & Lakbay Kabataan, Linis Dagat
![]() Matagumpay na naidaos ang Backyard Camping na ginanap sa M. Delos Reyes Memorial Elementary School kasama ang mga miyembro ng GSP, BSP, SPG at Yes-O noong nakaraang Nobyembre 22 at 23, 2013. Isa sa mga kaganapang nilahukan ng mga kasali ang taunang Lakbay Kabataan, Linis Dagat na isinagawa sa Bay Park, Tortugas na kadalasang pinupuntahan mga ibong dayo at mga taong gustong masilayan ang mga ito. Panandalian ding nakasama ng mga kalahok ang ating World Class Mayor na talaga namang nagpasaya sa mga kabataan. |
1-5 of 5