Admin‎ > ‎2010-2012‎ > ‎SY 2011-2012‎ > ‎NEWS!!!‎ > ‎

Pagtatapos 2012, hindi malilimutan

posted May 10, 2011, 1:55 AM by Lilibeth Franco   [ updated May 28, 2012, 7:58 PM ]





       

Ang graduation o araw ng pagtatapos ay isang parangal na ibinibigay para sa mga estudyanteng maluwalhating nakatapos ng pag-aaral at nakatanggap ng kanilang diploma. Ito ang pagpapatunay ng kanilang napagtagumpayan sa loob ng mga taon ng pagsisikap at pagpupunyagi. Sinasabing ang araw na ito ang simula ng panibagong kabanata ng buhay ng isang mag-aaral tungo sa mas malawak pang karanasan. Kalimitan nang idinaraos ang selebrasyon ng pagtatapos tuwing huling linggo ng Marso o sa pagsisimula ng buwan ng Abril. Ang seremonya nito ay isinasagawa sa iba't ibang antas, mula sa kindergarten, elementarya, mataas na paaralan, vocational, kolehiyo hanggang paaralang graduwado.

Ibat iba man ang paraan ng seremonya para sa mga nagtatapos, karaniwan nang idinaraos ito sa pagsisimula ng parada na kasama ng mga mag-aaral ang kani-kanilang mga magulang kung saan magaganap ang seremonya ng pagtatapos.

Sa Pang-alaalang Paaralan ng M. Delos Reyes, ginanap ang natatanging okasyong ito noong ika-28 ng Marso, 2012 kung saan nagtapos ang may 102 mag-aaral sa ikaanim na baitang.  Sinimulan ang palatuntunan sa pamamagitan ng isang panalangin na pinangunahan ng mga mag-aaral sa ika-limang baitang.  Aawitin din ang Lupang Hinirang at ang salutatorian o batang nagkamit ng ikalawang parangal na si Bernard Timbang ay nagbigay ng salutatory address na magsisilbing welcome address o pambungad na pagbati.

Ipinakilala ni Mrs. Rosario ang keynote speaker sa taong ito na walang iba kung hindi si G. Roberto Juanchito T. Dispo na isang matagumpay na president ng Metro Investment Corporation.  Isang makabuluhang mensahe ang kanyang inihatid sa mga nagsipagtapos upang magsilbing inspirasyon sa mga kabataan.

Matapos igawad ang mga diploma o katibayan ng pagtatapos, ibinahagi naman ng class valedictorian o ng batang nagkamit ng pinakamataas na karangalan ang kanyang valedictory address.  Dito sinariwa ni Samantha Rose D. Manalo ang kanyang pagpupunyagi bilang mag-aaral at binigyan ng hamon ang kanyang kapwa mag-aaral na lalo pang magsumikap sa mga darating na taon ng kanilang buhay estudyante.

Karaniwan nang ang mga paaralang may maliit na populasyon ng estudyante katulad ng M.Delos Reyes Mem. E/S ay idinaraos ang pagbibigay ng parangal sa araw mismo ng pagtatapos. Pinaparangalan ang mga mag-aaral para sa kanilang extra-curricular at co-curricular na mga gawain gaya ng parangal na Huwarang Mag-aaral na ibinibigay sa mga batang nagpakita ng natatanging pag-uugali sa buong taon, mga batang nagwagi sa isports at iba pang pandibisyong labanan


Comments