Admin‎ > ‎2010-2012‎ > ‎SY 2011-2012‎ > ‎

NEWS!!!

Brigada Eskwela 2012, Tagumppay

posted Jul 20, 2011, 5:53 AM by Lilibeth Franco   [ updated May 28, 2012, 7:18 PM ]

            








              Isang tagumpay nga na maituturing ang nakaraang Brigada Eskwela sa MRMES dahil na rin sa pagtutulungan ng mga guro, GPTA, Barangay Officials sa pamumuno ni Brgy. Captain Jimmy Gonzales at Kon. Wilfredo Guila, LGU, NGO at mga magulang sa pangunguna ng punungguro ng paaralan na si Gng. Agnes O. Magdalera.

            Ang pagsasanib puwersa ng mga nasabing organisasyon ang nagbigay daan upang maisaayos at mapaganda ang pasilidad ng paaralan bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa Hunyo 4, 2012.



MRMES Summer Reading |Program, Inilunsad

posted May 10, 2011, 1:57 AM by Lilibeth Franco   [ updated May 28, 2012, 7:28 PM ]

       


            Inilunsad noong nakaraang Abril 16, 2012 ang Summer Reading Program para sa mga batang mag-aaral ng MRMES.  Layunin ng programang ito na maging handa ang mga mag-aaral na papasok sa pagbasa.

            Ang mga batang papasok sa unang baitang ay matiyagang ginabayan ng guro sa Kinder na si Gng. Jeanette H. Payson samantalang ang mga batang nasa ikalawa hanggang ikalimang baitang ay ginabayan naman ng guro sa ikalawang baitang na si Gng. Cristina Fangon.

            Magtatapos ang nasabing programa sa Mayo 25, 2012.

Pagtatapos 2012, hindi malilimutan

posted May 10, 2011, 1:55 AM by Lilibeth Franco   [ updated May 28, 2012, 7:58 PM ]






       

Ang graduation o araw ng pagtatapos ay isang parangal na ibinibigay para sa mga estudyanteng maluwalhating nakatapos ng pag-aaral at nakatanggap ng kanilang diploma. Ito ang pagpapatunay ng kanilang napagtagumpayan sa loob ng mga taon ng pagsisikap at pagpupunyagi. Sinasabing ang araw na ito ang simula ng panibagong kabanata ng buhay ng isang mag-aaral tungo sa mas malawak pang karanasan. Kalimitan nang idinaraos ang selebrasyon ng pagtatapos tuwing huling linggo ng Marso o sa pagsisimula ng buwan ng Abril. Ang seremonya nito ay isinasagawa sa iba't ibang antas, mula sa kindergarten, elementarya, mataas na paaralan, vocational, kolehiyo hanggang paaralang graduwado.

Ibat iba man ang paraan ng seremonya para sa mga nagtatapos, karaniwan nang idinaraos ito sa pagsisimula ng parada na kasama ng mga mag-aaral ang kani-kanilang mga magulang kung saan magaganap ang seremonya ng pagtatapos.

Sa Pang-alaalang Paaralan ng M. Delos Reyes, ginanap ang natatanging okasyong ito noong ika-28 ng Marso, 2012 kung saan nagtapos ang may 102 mag-aaral sa ikaanim na baitang.  Sinimulan ang palatuntunan sa pamamagitan ng isang panalangin na pinangunahan ng mga mag-aaral sa ika-limang baitang.  Aawitin din ang Lupang Hinirang at ang salutatorian o batang nagkamit ng ikalawang parangal na si Bernard Timbang ay nagbigay ng salutatory address na magsisilbing welcome address o pambungad na pagbati.

Ipinakilala ni Mrs. Rosario ang keynote speaker sa taong ito na walang iba kung hindi si G. Roberto Juanchito T. Dispo na isang matagumpay na president ng Metro Investment Corporation.  Isang makabuluhang mensahe ang kanyang inihatid sa mga nagsipagtapos upang magsilbing inspirasyon sa mga kabataan.

Matapos igawad ang mga diploma o katibayan ng pagtatapos, ibinahagi naman ng class valedictorian o ng batang nagkamit ng pinakamataas na karangalan ang kanyang valedictory address.  Dito sinariwa ni Samantha Rose D. Manalo ang kanyang pagpupunyagi bilang mag-aaral at binigyan ng hamon ang kanyang kapwa mag-aaral na lalo pang magsumikap sa mga darating na taon ng kanilang buhay estudyante.

Karaniwan nang ang mga paaralang may maliit na populasyon ng estudyante katulad ng M.Delos Reyes Mem. E/S ay idinaraos ang pagbibigay ng parangal sa araw mismo ng pagtatapos. Pinaparangalan ang mga mag-aaral para sa kanilang extra-curricular at co-curricular na mga gawain gaya ng parangal na Huwarang Mag-aaral na ibinibigay sa mga batang nagpakita ng natatanging pag-uugali sa buong taon, mga batang nagwagi sa isports at iba pang pandibisyong labanan


MRMES SPG, Nagpakitang gilas

posted May 10, 2011, 12:48 AM by Lilibeth Franco   [ updated May 28, 2012, 8:38 PM ]

              

        Sa maagang paghahanda sa pagpasok ng taong 2012-2013, maaga ring nagpakitang gilas ang SPG o Supreme Pupil Governing Council ng MRMES.  Ang nasabing aktibidad ay bilang paglahok ng SPG sa Brigada Eskwela 2012. 

        Ang SPG ay pinamumunuan ng kanilang presidente na si Kredbylle F. Timbang na ngayon ay nasa ikaanim na baitang kasama ang kanyang mga kapartido.  Isang linggo silang naglingkod ng walang pagod sa paaralan bilang serbisyo nila at upang patunayan na sila ay karapat-dapat na maging bahagi ng SPG.

                

 

 

MRMES DRUM AND LYRE...SUBOK NA WORLD CLASS

posted May 10, 2011, 12:26 AM by Lilibeth Franco   [ updated May 12, 2011, 1:28 AM ]

 
 

                
            Muling pinatunayan ng MRMES Drum and Lyre at Majorettes and husay nila sa pagtugtog ng muli nilang ilagay sa pedestal ng unang karangalan ang paaralan sa katatapos na patimpalak ng Drum and Lyre sa buong Bataan noong Abril 4, 2011 sa Capitol Balanga City.            Labing isang bayan sa buong Bataan ang nakipagtunggali at nagpamalas ng kanilang gilas sa pagtugtog at ang MRMES Drum and Lyre ang kumatawan sa Lungsod ng Balanga. Sulit ang pagod at hirap dahil nasungkit nila ang kampeonato sa labanang ito. Sila ay tumanggap ng tropeo at 20,000php bilang gantimpala.

             Ang lahat ng ito ay nagbunga dahil sa pagtutulungan ng mga batang kalahok, magulang, taga pagturo sina G.Perry Medina, Mac-mac, at G. Alberto Dela Cruz na siyang gurong taga subaybay.
             Ang  MRMES din ang nagkampeon sa Division City Meet noong Disyembre 13, 2010 na siyang nagbigay daan upang maging kinatawan sa Panlalawigang Patimpalak ng Drum and Lyre.

 

 

 

 

 

 

 

Bagong AV Room, Tapos na

posted Oct 22, 2009, 11:30 PM by Lilibeth Franco   [ updated May 12, 2011, 1:16 AM ]

                    Isa na namang bagong pasilidad ang maari nang magamit ng mga mag-aaral at guro ng MRMES. Ito ay ang Conference Room na ginawa na ngayong Audio Visual Room.

                    Ang nasabing pagsasaayos ng AV Room ay pinondohan ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Joet S. Garcia. Ito ay isinagawa upang paigtingin pa ang kampanya sa “ World Class University Town 2020’’ dahil na- niniwala ang ating butihing mayor na malaki ang maiaambag ng ganitong pasilidad tungo sa magandang edukasyon.

                    Ang nasabing AV Room ay nagsilbing venue ng iba’t ibang gawaing pang edukasyon katulad na lamang ng isinagawang seminar sa English noong Pebrero 10-11,  17-18, 2011 na nilahukan ng mga guro sa ika-apat hanggang ika-anim na baitang sa Dibisyon ng Siyudad ng Balanga.

 

 

 

1-6 of 6