Admin‎ > ‎2010-2012‎ > ‎

News!!!

         
 MRMES Wagi sa Mr. Mrs. Federated PTA

        Nanalo bilang Mr. and Mrs. Federated PTA sa Cluster B sina G. Alberto Dela Cruz at Siony Acoba noong nakaraang Nobyembre, 2009.
        Isinagawa ang Last Canvassing noong Nobyembre sa Balanga Integrated School.  Nagtulong-tulong ang mga magulang, mga guro at prinsipal ng MRMES upang makuha ang panalo sa Mr. and Mrs. Federated PTA.  Si G. Dela Cruz ay ang masipag na guro ng Gr. VI-3 samantalang si Gng. Acoba naman ay ang masipag na PTA President ng Pre-Elem.
        Nagkaroon din ng parada lahat ng mga nagsapagwagi sa naturang patimpalak mula Cluster A hanggang Cluster C. Ito ay sinundan ng napakagandang palatuntunan kung saan ipinakita ng bawat kasali ang kani-kanilang talento.
 
 
 
 
    G. Alberto Dela Cruz at Siony Acoba habang nakasakay sa float.



_____________________________________________________________________________________________

 
     
          
MRMES Drum 'N Lyre, Sinalubong si PGMA

        Sinalubong ng Drum 'N Lyre Corps si Pres. Gloria Macapagal Arroyo sa kanyang pagdating noong Nobyembre, 5 2009 sa BES Athletic Ground.
          Ang kanyang pagdating ay bilang suporta sa Go Negosyo program na itinaguyod ni G. Joe Conception.  Nauna nang sinalubong at tinugtugan ng MRMES Drum 'N Lyre si G. Conception na dumating bandang 10:00 ng umaga.  Matiyaga namang naghintay ang mga bata hanggang sa makita na ang Presidential Chopper na lulan ang pangulo.  Tuwang- tuwang  tumugtog ang mga mag-aaral habang dumaraan at kumakaway si GMA papunta sa Bataan People's Center.
      Dumating din upang sumalubong si Mayor Joet Garcia at Gov. Tet Garcia. 


 
 
 
 
 
Comments