Admin‎ > ‎2010-2012‎ > ‎

Latest News

Barangay Week, Muling Inilunsad

posted May 10, 2011 1:57 AM by Lilibeth Franco

 

         Tunay na kapakipakinabang ang pagkakatayo ng covered court sa M. Delos Reyes Memorial Elem. Sch. Hindi lamang mga gawaing pampaaralan ang idinaraos rito, gayon din ang mga gawaing pang komunidad.

         Kaugnay nito ginanap ang ikatlong taong pagdiriwang ng Barangay Week.

          Ang Barangay Week ng Itaas ay idinaos mula Abril 4-9, 2011 sa covered court ng MRMES. Iba’t ibang gawain tulad ng pagmamasahe, medical mission, parental seminar, at computer enhancement ay ibinahagi sa mga taga Pto. Rivas.

          Ang gawaing ito ay nagbigay daan sa pagkakabuklod ng mga tao sa barangay.

 

 

Bise Presidente Binay, Saksi sa Bird Festival

posted May 10, 2011 1:55 AM by Lilibeth Franco

  
                                                                                 

 

                 Dinagsa ng maraming tao kabilang na ang mga mag-aaral sa iba’t ibang paaralan ng Balanga City ang Tortugas Bay Park upang tunghayan ang Bird Festival noong Disyembre 11, 2010.

                 Pinakatampok sa programang ito ang pagdating ng Bise Presidente ng Pilipinas na si Jejomar Binay bilang panauhing pandangal.

                  Inabangan at nagbigay pugay ang mga mag-aaral ng MRMES sa pagdaan ng sasakyan ng bise presidente sa pamamagitan ng pagwagayway ng mga banderitas sa labas ng paaralan.

                 Nasaksihan nilang lahat ang makulay na programa na may layuning imulat ang mga tao sa kahalagahan ng mga ibon.

 

Araw ni Maximino Delos Reyes, Ginunita

posted May 10, 2011 12:48 AM by Lilibeth Franco   [ updated May 10, 2011 1:50 AM ]

 
 

                Muli na namang inalala ng MRMES ang ika-83 taong kamatayan ni Maximino noong Pebrero 4, 2011.

                 Una na rito ay nagkaroon ng parada ang mga mag-aaral mula una hanggang ika-anim na baitang pasimula ng pagdiriwang. May mga plakard silang bitbit bilang papuri kay Maximino. Nagkaroon din ng taunang palatuntunan na nilahukan ng mga mag-aaral maging ng mga piling bata sa Tortugas Elem. School. Dumalo sila Brgy. Captain Richard Sioson, Kagawad Mariano Garcia, Gng. Violeta Mena Punongguro sa MRMES Annex, at Gng. Flordeliza V. Tuazon Tagamasid Pampurok ng Unang Distrito bilang mga panauhing pandangal.

                 Nagkaroon din ng iba’t ibang booth kinahapunan tulad ng  Jail Booth, Kikay Booth at marami pang iba bilang  bahagi pa rin ng pagdiriwang. Ang pinakaaabangang disco ay ginanap naman kinagabihan. Ito ay bilang paggunita naman sa araw ng mga puso. Maraming mga bata ang lumahok at nasiyahan sa sayawang ito. Sa kabuuan ay naging matagumpay ang Araw ni Mino.

 

 

 

Comments